L e s b i t
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

L e s b i t


Forum: Life in the Philippines as a lesbian, bisexual or transgender.

C e l e b r a t i n g   L o v e   B e t w e e n   W o m e n
 
HomeHome  Latest imagesLatest images  RegisterRegister  Log inLog in  WelcomeWelcome  Contact Us  

 

 Overview sa Buhay "L"

Go down 
2 posters
AuthorMessage
Guest
Guest
Anonymous



Overview sa Buhay "L" Empty
PostSubject: Overview sa Buhay "L"   Overview sa Buhay "L" EmptyWed 10 Aug 2011, 7:12 pm

Naaalala mo pa ba noong unang beses na magising ka at maramdaman mo na in love ka? In love ka hindi sa lalake kundi sa kapwa mo babae. Hehe naalala mo pa ba yung sandaling yon na biglang bigla gumulo ang minsan ay tahimik mong mundo?



“Pakingshet! Lesbian ba ko? Sheeeeetttttttt!!!!”



Naalala mo pa ba kung kelan mo unang naitanong yan sa sarili mo? Nakakatawa, nakakainis, nakakagalit, nakakalito… malamang ilan lamang iyan sa mga damdamin na naramdaman mo ng mga sandaling yon.



“shet! Sakit sa bangs! Abnormal ba ko? Lagot ako sa nanay ko pag nalaman toh!”



Kasabay ng mga halo halong damdamin natuto kang magtanong ng mga bagay na minsan ay hindi pa sumagi sa isip mo. Mga bagay na ni sa hinagap hindi mo naisip na mangyayari sayo.



“Abnormal ba ko?”



Isa yan sa mga natanong ko sa sarili ko nung unang gabi na yun ng February 2006. Ikaw tanda mo pa ba kung kelan mo yan natanong sa sarili mo? Haha malamang hindi na. Espesyal na gabi yun ng buhay ko. Sa unang pagkakataon nabuksan ang saradong isipan ko sa mga posibilidad na hindi natatanaw ng aking mga bulag pang mga mata nitong mga nagdaang panahon. Katulad mo at ng iba pa… at ng marami pang iba na susunod sa mga yapak natin na tinatawag na “abnormal” ng lipunang nakagapos sa mga lumang paniniwala at hilaw na konserbatibong pananaw, naranasan kong makadama ng pagdududa sa sarili ko. Sa mahaba haba ding panahon, tila ba nakabitin lang ang aking saloobin sa bingit ng isang bangin na hindi ko matanaw ang ilalim.



“Mahal kita.”



Haha. Ang wirdo sa pakiramdam. Siguro masarap mapakinggan ang mga salitang yan kung galing sa labi ng mahal mo. Ng isang tao na posibleng makasama mo ng napakahabang panahon. Pero ano ang pakiramdam kung maririnig mo tong sasabihin sayo ng kapwa mo “babae”? naalala ko pa, ang weird talaga ng feeling ko nun. Kala ko nga nagbibiro lang yung kaibigan ko na yun ng sabihin nya sakin ang “I Love You”. Haha. Yan ang reaction ko. Tumawa? Oo. Kahit sa kaloob looban ko may kakaibang tuwa at ligaya akong naramdaman ng mga sandaling yon. Kilig? Oo malamang. “abnormal” dahil unang una pareho kami ng gender. Pangalawa kaibigan ko sya. Pangatlo kilala sya ng pamilya ko. Pang apat mali sa mata ng tao at ng Diyos. Pang lima…. Shet nalimutan ko ang pang lima! Hehe. May listahan kasi ako dati kung bakit hindi pwedeng magmahalan ang dalawang babae eh. Huling kita ko sa listahan na yun abo na. sinunog ko sa labas ng bahay namin. Noong mapagtanto ko na ang pagmamahal ay walang pinipiling edad,kasarian o panahon, tinapon ko sa hangin lahat ng alinlangan ko.



“Akala ko madali. Bakit ganito ang hirap?”



Paglipas ng sandaling panahon na nagkasama kami ng unang “girlfriend” ko nalaman ko hindi pala ganun kadali. Bakit? Kasi sinabi ko! Haha. Bakit totoo naman diba? Ang hirap lalo na kung habang tumatagal lumiliit ang mundo para sa inyong dalawa. Nauubos yung tapang at lakas ng loob nyo. Pati mga pangarap na binubuo nyo unti unting nasisira sa harapan nyo. Bakit ulit? Alam mo ba yung pakiramdam na pinagtitinginan ka ng mga tao na tila ba may nakahahawa kang sakit? Yung panlilibak at insulto? Naranasan mo bang magisa ng mga kapatid at magulang mo? Yung kahit gustong gusto mo ng umamin hindi mo magawa kasi takot ka. Takot saan? Takot na masaktan, mawala yung babaeng mahal mo at takot matakwil ng pamilya mo. Malamang naiintindihan mo yung sinasabi ko. Kasi tulad ko at ng marami pang iba, madalas maranasan ng mga “abnormal” na kagaya natin ang ganitong bagay.



“sorry it’s not gonna work out…”



Oh oh…bawal umiyak! (singhot) shet pag naiisip ko pa din ng sabihin ko yan sa first girlfriend ko parang gusto kong magpatiwakal. Masakit. Sa part nya oo. Pero doble sa part ko. Oh bawal kumontra! (singhot) porke ako ang nakipaghiwalay ako ba ang mali? Hehe ano ba ang pakiramdam? Minsan ba sa buhay mo noong dise otso anyos ka naranasan mo yung sakit na kailangan mong isuko ang isang bagay dahil wala kang kakayahan na ilaban ito? Sa ganun edad masakit ang pagsuko at pagkatalo kung buong puso at kaluluwa mo naghuhumiyaw na lumaban ka. (singhot ulet) tatlong taon na ang lumipas. Si “ex-girlfriend” ayun huling balita ko may asawa na. naisip ko tuloy, kung hindi ko ba siya binitawan kami pa ba hanggang ngayon? Maraming sana, maraming kung…pero huli na para balikan pa yun oh pagsisihan pa. tatlong taon. Sa loob ng panahon na yun marami ng “girlfriend” ang dumating at umalis. pero walang pumalit kay “ex-girlfriend” sa puso ko.



“Lesbian ka ba?”



Pag may nagtatanong sakin nyan, tinitignan ko ng mabuti. Gusto kong maarok yung level ng kainosentehan oh antas ng panlilibak na nakapaloob sa mga kataga na yun.



“Oo. Bakit?”



Isip sandali yung nagtanong. Kakamot sa ulo. Yuyuko saglit. Titingin sakin tapos tatawa ng hindi mo malaman kung pilit oh sinsero. Parang tanga lang.



“Kelan pa?”



Tahimik ako saglit. Titignan ko ulet yung kausap ko ng mabuti. Ngingisi ako saka sasagot.



“Mula ng malaman kong inlab ako sayo!”



Magugulat sya. Mamumutla. Akala mo sinabugan ng bomba. Hindi makakaimik tapos aatras kaunti.

At sa pautal utal na tinig magtatanong.



“seryoso ka ba?”



Tatawa ulet ako. Saka ngingisi. Saka sasagot.



“biro lang…hahahahahaha…”



Ganun lang. simpleng joke. Nakakatawa sa parte ko at nakakainis sa parte nya. Kung iisipin mo ano bang dapat ipaliwanag? Ano ba ang dapat sagutin? Hindi naman isang komplikadong bagay na malaman nila na “lesbian” ako di ba? Tulad mo, nila at ng iba pang nilalang na may dalawang paa, humihinga, may damdamin, may puso, nakakapagsalita at marunong masaktan, tao pa din naman ako sa paningin ng lahat. Ayokong nasasabihan ng “lesbian”. Nakakainis kasi. Pakiramdam ko inembento lang nila ang salitang yan para ikategorya ang isang babae sa isang level na parang naiiba siya sa ibang tao. Isang salita na parang ang kahulugan sa bukabularyo ko eh “outcast”. Bagama’t hindi kaaya aya sa pandinig ko ang salitang “lesbian” hindi ko ito itinatatwa. Oo hindi ako “legal”. At habang nasa poder ako ng mga magulang na nag-aruga at nagpamulat sakin ng “tama at mali”, alam kong hindi ko pa maaaring ibulgar sa kanila ang katotohanan na ikinukunsidera nilang mali sa kanilang paniniwala. Mahirap. Itago? Oo. Subalit pinaghahandaan ko na ang panahon na yun. Ika nga ng kaibigan ko eh “moment of truth”. Sa mga kaibigan at mga kaklase ko taas noo ko pang inaamin. Gusto kong simulan sa ganitong paraan ang pagbabago. Maraming naniniwala, marami ding hindi. Hindi ko naman sila masisisi dahil hindi ganun kadaling tanggapin na sa isang iglap matapos ang mahabang panahon ng pagkakaibigan at pagkakakilala eh para akong paru paro na nag evolve na lang bigla.



Marami na akong nabasang mga coming out stories. Karamihan maganda naman ang ending. Ikaw maganda ba ang coming out story mo? Minsan hindi ko alam kung ini-stir na lang ako ng mga nababasa ko. Nagsusulat din ako, at least hindi man ako propesyonal sa larangan na ito, may experience na ko na pinagbabasehan ng lahat ng ginagawa ko. Bilang manunulat, partikular na responsibilidad mo ang magbahagi ng mga totoong impormasyon lalo na kung sensitibo ang tinatalakay mo. Mahirap hanapin ang “totoong impormasyon” na tinutukoy ko kung fictional oh sci-fi yung binabasa mo di ba? Hindi siya mahirap malaman. Paano? Isang uri ng pakikipagtalastasan ang pagsusulat. Pakikipagtalastasan ng manunulat sa kanyang mambabasa. Sa ganitong paraan naipaparating ng isang author ang nais niyang sabihin hindi lang sa isa kundi sa napakaraming tao na maaaring magbasa ng kanyang akda. Bawat pitak ng isang akda may mga nakapaloob na mga ideya at impormasyon. Masasabing naiparte niya sayo ang mga bagay na yun kung naunawaan mo ang nilalaman o nais ipahiwatig ng kanyang akda. Naintindihan mo ba ang nais kong sabihin?



Coming out story. Balik tayo dun. Pag nakakabasa ako ng ganung mga story na-iinspired ako. Parang nagkakaroon ako ng lakas ng loob na ipagpatuloy yung landas na tinatahak ko. Pero ganun ba kadali? Malamang isa lang ang sagot natin pareho. HINDI. Sa isang babae na nilikhang sadyang may kahinaan ang loob at likas na takot sa dibdib, isang malaking hakbang ang tumayo ng matuwid habang binabayo ng napakalakas na hangin. Totoo iba na tayo ngayon. Marunong na tayong lumaban at manindigan. Salamat kina Gabriella Silang at Corazon Aquino. Haha anong koneksyon? Oo hindi sila mga lesbian at abnormal. Pero sila ang mga ihemplong nagpapatunay na hindi hadlang ang pagiging babae para may mapatunayan tayo sa mundo. Salamat sa mga nang-iistir na mga coming out story. Pati na rin mga successful love stories.



Ito na. nalulungkot nanaman ako. Bahagi na rin siguro ito ng pagiging abnormal ko. Pag nakakatapos ako ng isang akda o salaysay nalulungkot ako. Siguro kasi lagi nitong ipinapaalala sakin na kahit gaano kaganda o kapangit ang isang bagay, pangyayari o sitwasyon dadating pa rin sa punto na matatapos lahat. Sana din diba, dumating yung panahon na matatapos din yung hirap ng kalooban na dinadanas ng marami sa atin na “abnormal” at “lesbian”. Sana isang araw makabasa ako ng coming out story na wala ng nakalagay na “itinakwil ng magulang”, “sinaktan ng pisikal”, “dumanas ng panlilibak” at marami pang iba. Sana ganun lang kadali ang takbo ng buhay(buntong hininga). Isa lang ang alam ko, hindi tayo “abnormal”. Mga babae lang tayo na hindi natakot sumubok ng pagbabago. Matapang na nagmamahal sa kabila ng maraming balakid. At higit sa lahat, extra ordinary tayo dahil nilampasan natin ang hangganan ng limitasyon ng ating pagiging babae. Hindi na tayo nakagapos ngayon, wala ng piring ang mga mata natin, hindi na natatakpan ang ating mga tainga at wala ng busal ang ating mga bibig. Pilitin mong maging boses na magsasalita ng malakas sa gitna ng napakaraming ingay at alingasngas. Kagaya ko, nila at ng marami pang iba na nauna na sa atin. Ang nabasa mo ay maikling overview lang ng buhay ng isang “L”. Nasa sa iyo na ngayon ang desisyon kung paano mo gagawin ang kabuuan ng istorya mo.
Back to top Go down
spence23
Mahiyain
spence23


Post Count : 20
Current Location : pasay
Sexual Identity : feMMe

My Status
Current Status:
I am feeling..: Depressed

Overview sa Buhay "L" Empty
PostSubject: Re: Overview sa Buhay "L"   Overview sa Buhay "L" EmptyThu 11 Aug 2011, 3:15 am

Wow!., wala akong masabi!., Bilib na ko sayo girl!., whew! worship
Back to top Go down
DsCreet
Lesbit Fan
DsCreet


Post Count : 250
Current Location : floating
Preference : Friends

My Status
Current Status: Single
I am feeling..: High!

Overview sa Buhay "L" Empty
PostSubject: Re: Overview sa Buhay "L"   Overview sa Buhay "L" EmptyThu 11 Aug 2011, 10:33 am

ikaw nga jyb eh, pgna-publish ng book i-post mo dito ng mkabili ako ng autograph copy. Galing mo tlga, inlab na yata ako sa yo. bouncing
Back to top Go down
Guest
Guest
Anonymous



Overview sa Buhay "L" Empty
PostSubject: Re: Overview sa Buhay "L"   Overview sa Buhay "L" EmptyThu 11 Aug 2011, 2:34 pm

@spence23 ... thank you :D

@DsCreet ... *lol* matagal pa yun... di bale susulat na kita sa listahan ng mga pasasalamatan kong naka.appreciate sa sinulat ko :P thank you...
Back to top Go down
Sponsored content





Overview sa Buhay "L" Empty
PostSubject: Re: Overview sa Buhay "L"   Overview sa Buhay "L" Empty

Back to top Go down
 
Overview sa Buhay "L"
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» HARAPAN (late night show in ABSCBN)

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
L e s b i t :: Literature :: O r i g i n a l  N o n - F i c t i o n-
Jump to: