Part 2
'Ano na kayang ginagawa ng mokong na 'yun?'
Itago na lang natin siya sa pangalang Natalie. Tatlumpung-taong gulang. Malulusog ang mga dibdib at kayang-kaya pa ring makipagsabayan sa mga bente-anyos na kadalagahan. Sadyang napakaputi ng kutis nito. Animo'y alagang-alaga sa paliligo ng gatas. Bakas man ang ilang taon ng karanasan sa kanyang pagmumukha, hindi pa rin maitatago ang angking alindog nito.
Mahigit sampung minuto na rin siyang naghihintay sa coffee shop kung saan sila nakatakdang magkita. Oo, matapos ang halos dalawang taong paghihintay, magkikita na rin ang dalawang pusong nabihag ni kupido. Sino nga ba naman ang makapagsasabing sa kabila ng lahat ng pag-iinarte ng dalawa ay nakarating pa rin sila sa puntong ito. Tiningnan niya ang kanyang relo, '4:10pm' sabay higop sa in-order niyang cappuccino. Hindi niya maiwasang mapangiwi sa lasa ng natikman. 'Ano bang meron dito at nahiligan niya? Hindi ko talaga magets.'
----
Humahangos ng takbo ang isa. Pangkaraniwan na lamang na ma-late siya sa anumang uri ng pagtitipon. Pero nagkamali ata siya na mahuli sa pagkikita nila. 'Deds na ako nito. Bubugbugin na niya ako hahaha,' nakangiti siya habang iniimagine kung anong itsura ng taong kakatagpuin.
Hindi pa sila nagkikita ever. Bakit naman hindi? Eh sa hindi sila atat. They took their sweetest time to get to know one another. And for them, it would be tremendously unfair to just engage in a romantic relationship knowing that they still had some score to settle with their past. And now that the time for the two of them has finally come..
----
Isa lamang siyang dakilang taga-utos sa kanyang pinagtatrabahuhan. Sa edad na bente-kwatro, malayo na rin ang kanyang narating. Siya na ang umaalipin sa departamentong kanyang kinabibilangan. Char lang. Mahal niya ang trabaho niya kahit isinusuka na niya ito. Weird noh?
"April, halika na!"
"Sandali lang, malapit na matapos report ko!." Mabilis na nagtype ng mga numero ang dalaga. Tuwang tuwa siya dahil sa wakas ay maipapasa na niya sa itaas ang matagal na niyang pinagpaguran. Hindi biro humatak ng mga datos para sa productivity report na hinigingi sa kanya.
"Tagal naman! Gutom na ako" kantyaw ng kanyang matalik na kaibigang si Alfred. Friday night. Magpapakalango na naman sila sa alak.
"Eto na po!" sinara na ni April ang kanyang laptop at dali-daling niligpit ang mga natirang gamit sa kanyang lamesa. Tiningnan niya ang sarili mula sa front camera ng kanyang iPhone 5s. 'Bogsa pa rin. Hahaha!'
Nagtungo sila sa isang ramen shop. Sikat na sikat ito dahil sa unique nitong istilo. Sa madaling salita, not your usual ramen.
"One tonkotsu saka one tantanmen." Ngumiti ang waitress nang marinig ang kanilang order at sumenyas agad sa kitchen.
"O, dali ano na'ng bago sa'yo?" tanong ni Alfred sa stressed na kaibigan.
"Wala naman. Normal pa rin," kanyang sagot habang busy sa pagttype sa kanyang cellphone.
"Sus. Eh kelan mo kaya balak ikuwento sa'kin kung sino yang nagpapasaya sa'yo lately?" tiningnan ng lalaki si April na parang nang-aasar.
"Sige na nga. Fine. May nakilala akong kaibigan sa isang website. Matanda na siya pero I kinda like her."
"Wow ha. Where in the world is the part that you only kinda like her?" tumawa nang malakas si Alfred. "Ilang taon na nga uli tayo magkaibigan, April? Akala mo ba hindi ko alam na sa tuwing hindi mo makontrol ang sarili mo na hindi magtetetext or magrereply agad sa phone mo eh may nakakuha na ng special attention mo?"
"Ano daw?" napangisi si April sa narinig. 'Ganun pala talaga ako ka-obvious'
"Taga-saan naman 'yan ha?" Nagsimula nang mag-interrogate si Alfred. Mahal nito ang kaibigan. Pero saka na ang storya nila. Ipapakilala ko muna ang bida.
_______________________________________________________
Author's notes:
Saan ninyo gustong manggaling yung chorva ni April?
a. Luzon
b. Visayas
c. Mindanao
d. Hindi sa Pilipinas